UK nagpalabas ng travel warning matapos ang panibagong pagsabog sa Quiapo

Nagpalabas ng travel warning ang gobyerno ng United Kingdom matapos ang naganap na dalawang pagsabog sa Quiapo noong Sabado.

Nakasaad sa advisory na iwasan dapat ng kanilang mga kababayan ang nasabing lugar at maging up-to-date sa mga local media.

Ipinag-utos din nila sa mga kababayan na mahigpit na sumunod sa mga lokal na otoridad.

Magugunitang dalawa ang namatay habang anim ang sugatan matapos ang naganap na dalawang pagsabog sa Quiapo, Manila.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *