Demokrasya sa Pilipinas nasa krisis na ayon kay Sen. de Lima

Tila nasa krisis na ngayon ang demokrasya sa Pilipinas.

Ito ay dahil sa pananahimik ng Mayorya sa mga Pinoy  sa mga nagaganap na paglabag sa karapatang pantao at mga kaso ng karumal-dumal na pagpatay.

Sa kaniyang ipinadalang mensahe kasabay ng 30 anibersaryo ng Commission on Human Rights, sinabi ni Senadora Leila de Lima na matindi na ang mga kasinungalingan at pagtatakip na ginagawa ng nasa hanay ng pamahalaan para sa kanilang personal at political agenda.

Hinahangaan ni de Lima ang mga kawani ng CHR sa kanilang tatlumpong taong mahalagang paglilingkod para  lalong palakasin ang demokrasya sa bansa at pagtataguyod ng karapatang pantao.

Pero pinayuhan ni de Lima ang mga kawani at opisyal ng CHR na maging matatag sa malaking hamong hinaharap nila ngayon

Ayon sa Senadora, nasa krisis  ngayon ang demokrasya ng bansa at  kailangang mas magkaisa ang komisyon para labanan ang krisis at patuloy na ipaglaban ang karapatan ng mga Pilipino lalo na ang mga mahihirap na kadalasang biktima ng kawalang-hustisya sa ating pamayanan.

Ulat ni: Mean Corvera

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *