United Nations Human Rights Council hindi na maloloko ni Sen. Cayetano at mga kinatawan ng Pilipinas ayon kay Sen. de Lima

Pinayuhan ng nakakulong na si Senadora Leila de Lima si Senador Alan Peter Cayetano na itigil na ang pambobola sa United Nations Human Rights Council.

Sa harap ito ng ginagawang pagpapaliwanag ni Cayetano at iba pang opisyal ng Malacanang sa UNHRC sa Geneva sa tunay na datos ng mga biktima ng extra judicial killings sa Pilipinas.

Sa kaniyang sulat kamay na statement, sinabi ni de Lima na hindi na kayang itago at pagtakpan ng gobyerno sa buong mundo ang mga kaso ng pag-abuso sa karapatang pantao at libo-libong napapatay sa kampanya laban sa droga ng administrasyon.

Banat ni de Lima, hindi mga bayarang trolls sa social media at nasa burukrasya ang mga kinatawan ng United Nations.

May sarili aniyang pag-iisip ang mga ito at hindi magbubulag-bulagan para paboran ang aniyay pinagandang bersyon sa usapin ng human rights.

“Ngayon ang mga nakikinig kay Cayetano ay hindi mga bayarang trolls sa social media at burukrasya na binubuo ng mga sipsip kay Duterte. Kundi mga kinatawan na may sariling pag-iisp  at hindi magbubulag-bulagan sa kalagayan ng karapatang pantao sa bansa. hindi naman basta makakapagpakita si Cayetano sa nasabin  mga delegado ng pinagandang bersyon sa usapin ng karapatang pantao sa Pilipinas “. – Sen. de Lima

Ulat ni: Mean Corvera

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *