Water rate hike, ipinagpaliban muna ng Maynilad at Manila Water

Hindi muna itutuloy  ng Manila Water at Maynilad ang pagpapatupad ng hirit nilang dagdag singil sa tubig.

Sa halip, sa buwan ng Enero 2018 na lamang plano ng Maynilad at Manila Water na ipatupad ang hirit nilang dagdag singil.

Ang Maynilad ay humihirit ng dagdag na ₱9.68 per cubic meter na dagdag habang ₱8.30 naman per cubic meter ang hirit ng Manila Water.

Kung sakaling maaaprubahan ay mangangahulugan ito ng dagdag na mahigit isangdaang pisong bayarin sa mga consumer na ang konsumo ay 20 cubic meters kada buwan.

Tiniyak naman ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System na masusi nilang pag-aaralan ang hirit na dagdag singil.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *