WestMinCom Commander dumalo sa Regional Peace and Order Council meeting sa Bangsamoro region

Para maging epektibo at komprehensibo ang kampanya laban sa local communist armed conflict sa Mindanao, ninais ni Armed Forces Western Mindanao o WestMinCom Commander Lt. General Cirilito Sobejana na daluhan ang Regional Peace and Order Council sa Bangsamoro region na isinagawa kahapon sa BARMM Compound sa Cotabato City.

Layunin ni Sobejana na personal na maka-usap ang mga Local Leaders sa ilalim ng BARMM region at suyuin ang kooperasyon nito para maipatupad ng tama at angkop ang mga Anti Insurgency Campaign ng AFP lalo na sa Mindanao.

Bahagi ng naturang pagpupulong ay ang pagsumite ng mga Provincial Peace and Order Council mula sa Basilan Sulu at Tawi-tawi ng kani-kanilang mga accomplishment sa harapan ni BARMM Minister Murad Ibrahim.

Hinimok ni Murad ang iba pang mga council member na maging active partner sa pag promote ng Peace and Order Development lalo na sa Bangsamoro region, na siyang labis namang ikinagalak ng WestMinCom Commander.

Ulat ni Ely Dumaboc

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *