World record para sa pinakamaraming Diamond sa isang singsing

Ttinalo ng mga jeweler na sina Vishal Agarwal at Khushbu Agarwal ng Surat, India, ang record sa Guinness World record, para sa “most diamonds set in one ring.”

Ang singsing na ginawa nina Vishal at Khushbu, ay mayroong 6,690 piraso ng diyamante na inilagay sa isang 18 karat rose gold structure, na hugis lotus flower.

Ang singsing ay may bigat na higit sa timbang ng isang golf ball, o higit lamang ng kaunti sa 58-gramo at nagkakahalaga ng $4,116,787.

Ginaya ang disenyo ng singsing sa lotus flower, para magkaroon ng awareness ang publiko sa kahalagahan ng pagtitipid ng tubig.

Ang unang may hawak ng record ay ang Savio jewelry, para sa kanilang peakcock ring noong 2015, na mayroong 3,827 cut diamonds.

 

===========

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *