1.5 milyong buhay, maililigtas kapag nabakunahan ang mga bata pagsapit ng 2020 ayon sa WHO
Nananawagan ang World Health Organization sa mga magulang, health care worker at policy maker na magtulong tulong para matiyak na bawat bata sa bawat bansa ay nakakakuha ng bakuna na kanilang kailangan.
Ayon sa W.H.O., mahigit sa dalawang milyong bata sa Western Pacific Region ay wala pang regular na access sa taunang pagbabakuna, sa kabila ng mga benepisyong dulot nito, gaya ng paghadlang sa infectious diseases, na ang halimbawa ay hepatitis, diptheria, tetanus, measles at polio.
Binigyang diin ng W.H.O. na ang mawalawakang immunization coverage at pagtiyak na mababakunahan ang lahat ng bata pagsapit ng 2020 ay makapagliligtas ng karagdagang isa at kalahating milyong buhay sa buong mundo.
Inihayag pa ng W.H.O. na dalawa punto tatlong milyong bata sa nabanggit na Region ay hindi pa lubusang nabakunahan laban sa mga naturang sakit.
Dagdag pa ng W.H.O. na lubhang nakaaalarma ang naturang datos dahil wala dapat namamatay na mga bata sanhi ng sakit na maaari namang mahadlangan.
Ulat ni: Anabelle Surara