40 pamilya sa Sta. Rosa Laguna, inilikas

sta-rosa

Aabot na sa mahigit 40 pamilya sa Santa Rosa City, Laguna ang inilikas dahil sa bagyong Ulysses.

Sa pinakahuling tala ng lokal na pamahalaan, kabuuang 46 pamilya o 229 indibidwal ang dinala sa ibat ibang evacuation centers sa lungsod.

Karamihan sa mga pamilya ay naninirahan sa mga low-lying at flood-prone areas.

Ang mga pinagdalhang lugar sa mga evacuees ay sa Command Center, Sinalhan Covered Court, Caingin Barangay Hall, Ibaba Multi-purpose Hall, Macabling Elementary School, at Dila Barangay Hall.

Moira Encina