Water level sa Marikina river, 22.0 meters na

Si Marikina City Mayor Marcy Teodoro habang nag-iikot sa mga binahang lugar sa Marikina. (photo: Marikina PIO)

Umabot na sa 22.0 meters ang water level sa Marikina River as of 10:33 a.m.

Tuloy-tuloy pa rin sa pagtaas ang tubig sa ilog ng Marikina.

10:00PM kagabi nang itaas ang first alarm sa Marikina river matapos umakyat sa 15 meters ang tubig nito,

Itinaas naman ang alerto sa 2nd alarm bandang alas dos ng madaling araw, nang unti-unting umakyat ang tubig sa 17 meters.

Mabilis namang tumaas ng tubig sa 18 meters makalipas lamang ang isang oras kung kayat itinaas sa 3rd alarm ang Marikina river bandang alas tres ng madaling araw.

Mula dito ay unti-unti pang tumaas ang tubig sa ilog, hanggang sa maabot nito ang 22.0 meters na level pasado alas-10 ng umaga.

Ito ang dahilan kung kayat lalo pang tumaas ang tubig baha sa mabababang lugar sa Marikina City.

Please follow and like us: