Pagpapatayo ng Dengue Virus Testing and Screening Center sa bawat siyudad at Munisipalidad sa bansa isinulong sa Kamara
Inihain ni Cebu City Congressman Eduardo Rama sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas para sa pagpapatayo ng Dengue Virus Testing and Screening Center sa bawat siyudad at munisipalidad sa buong bansa.
Sa House Bill 4607, binanggit ni Rama na naitala ang mahigit 64,000 na mga kaso ng Dengue sa bansa mula noong Enero hanggang Hunyo 2022, na ikinamatay na ng mahigit 270 tinamaan ng Dengue.
Ayon kay Rama, nakakaalarma ang bilang ng tinamaan ng Dengue at ang sitwasyon ay nangangailangan ng tamang pagtugon mula sa gobyerno.
Sinabi ni Rama na sa kasalukuyan ay wala pang bakuna para sa dengue, pero maaaring ma-manage o maagapan ito sa pamamagitan ng early diagnosis.
Bagamat naglunsad ng National Dengue Prevention and Control Program ang Department of Health o DOH hindi institutionalized ang pagte-test para sa Dengue at marami pang lokal na pamahalaan ang walang dengue diagnostic testing centers.
Kapag naging ganap na batas ang panukala ni Rama, ang mga itatayong Dengue Virus Testing and Screening Center ay mag-aalok ng libreng Rapid Dengue Test o RDT sa mga lugar na may Dengue outbreak.
Vic Somintac
Heyy very cool site!! Man .. Beautiful .. Amazing .. I’ll bolkmark yoiur blopg annd take
tthe ffeeds additionally? I aam satisfied tto seek ouut a lot oof
usefull information ight heee in thee publish, wwe need deevelop etra strategies iin thiks regard, thanks for sharing.
. . . . .