Iran, wala pang nakatakdang petsa para sa susunod na round ng negosasyon sa US

0

Iranian Deputy Foreign Minister Saeed Khatibzadeh speaks to reporters as he attends Antalya Diplomacy Forum in Antalya, Turkey, April 18, 2026. REUTERS/Umit Bektas

Wala pang itinakdang petsa para sa susunod na round ng negosasyon sa pagitan ng Iran at Estados Unidos, ayon sa deputy foreign minister ng Iran, at idinagdag na dapat munang mapagkasunduan ang isang balangkas ng pagkakaunawaan.

Ang pinakamataas na antas ng pag-uusap ng U.S.-Iran simula noong 1979 Islamic Revolution, ay natapos sa Islamabad nang walang napagkasunduan noong nakaraang linggo.

Sinabi ni Pangulong Donald Trump ng Estados Unidos, na malamang na magkakaroon ng mas maraming direktang pag-uusap ngayong katapusan ng linggo, bagama’t sinabi ng ilang diplomat na malabong mangyari ito dahil sa logistik ng pagpupulong sa Islamabad, kung saan inaasahang magaganap ang mga pag-uusap.

Sa sideline ng isang diplomacy forum sa southern Turkish province ng Antalya ay sinabi ni Saeed Khatibzadeh, “We are now focusing on finalising ⁠the framework of understanding between two sides. We don’t want to enter into any ​negotiation or meeting which is doomed to fail and which can be a pretext ​for another round of escalation.”

Aniya, “Until we agree the framework, we cannot set the date… There ​was significant progress made actually. But then the maximalist approach by the other side, ​trying to make Iran an exception from international law prevented us to reach an agreement,” na ang tinutukoy ay ang demand ng U.S. tungkol sa nuclear programme ng Iran.

Dagdag pa niya, “I have to be very crystal clear that Iran would not accept to be an exception from the international law. Anything that we are going to be committed will be within the international regulations and international law.”

Nang tanungin tungkol sa mga ulat na muling isinara ng Iran ang Strait of Hormuz noong Sabado matapos ang pansamantalang muling pagbubukas nito kasunod ng hiwalay na 10-araw na tigil-putukan na pinangasiwaan ng U.S. sa pagitan ng Israel at Lebanon noong Huwebes, sinabi ni Khatibzadeh na inanunsyo ng Iran na papayagan nito ang ligtas na pagdaan ng mga barkong pangkalakal alinsunod sa mga tuntunin ng tigil-putukan.

Aniya, “The other side, the American side, tried to sabotage that by saying that it is open except for Iranians. So that was ⁠the reason ​we said that if you are going to violate ​the ceasefire terms and conditions, if Americans are not going to honour their words, there will be repercussions ​for them.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *