Dalawang top aides ng alkalde ng Mexico City, tinambangan, patay

Mexico City, Mexico / Reuters / Quetzalli Nicte-Ha
Dalawang top aides ni Mexico City Mayor Clara Brugada ang binaril patay matapos tambangan sa sentro ng siyudad, ng gunmen na naka-motorsiklo.
Ang mga biktima ay private secretary ng alkalde na si Ximena Guzman, at isang adviser ni Brugada, na si Jose Muñoz.
Sinabi ng isang opisyal sa federal prosecutor office, na batay sa inisyal na mga ulat, si Guzman ay nagda-drive patungo sa trabaho at huminto sa isang abalang avenue sa downtown ng Mexico City upang sunduin ang kasama nito sa trabaho.

Mexico City, Mexico / Reuters / Quetzalli Nicte-Ha
Si Muñoz ay nilapitan ng dalawang gunmen na naka-motorsiklo at siya ay binaril na ikinamatay nito, pagkatapos ay pinaputukan din si Guzman ng hindi bababa sa apat na ulit sa loob ng sasakyan na ikinamatay nito.
Wala pang ibinibigay na motibo ang mga awtoridad para sa pananambang, bagama’t sinabi ng security experts na tila ito ay isang organized crime.
Naging karaniwan na ang karahasan sa pulitika sa maraming bahagi ng Mexico, kung saan maraming lokal na kandidato sa pulitika ang pinaslang sa mga pagpatay na kadalasang nauugnay sa mga kartel ng droga na naglalayong magkaroon ng impluwensya.
Sinabi ni Brugada, “I feel very sad for the loss of Ximena and Pepe (Jose), with whom for many years we shared dreams and struggles.”

Mexico City, Mexico /Picture partially taken through glass /Reuters/Quetzalli Nicte-Ha
Pinasalamatan naman niya si Mexican President Claudia Sheinbaum at kaniyang gabinete para suporta at kooperasyon simula nang mangyari ang pag-atake. Si Sheinbaum mismo ay naging dating alkalde ng Mexico City.
Ayon kay Sheinbaum, “It is a deplorable incident and we are going to give all the support that the mayor may need.”
Idinagdag pa ni Brugada na walang impunity para sa mga responsable sa pagpatay. Wala siya sa sasakyan nang mangyari ang pamamaril, ayon sa isang opisyal ng Mexico City.
Kinordon ng police patrols ang lugar na pinangyarihan ng pananambang, upang masuri ng forensic specialist.
Sabi ni David Saucedo, isang public security specialist, “It was a harsh message sent to Clara (Brugada), undoubtedly perpetrated by drug traffickers.”

Mexico City, Mexico / Reuters / Quetzalli Nicte-Ha
Aniya, “Groups affected by drug seizures have previously launched attacks against the capital’s authorities.”
Noong 2020, ang noo’y Mexico City police chief na si Omar Garcia Harfuch, na ngayon ay federal security minister na, ay binaril at nasaktan sa isang assassination attempt na ikinamatay ng dalawa niyang bodyguards.
Ang pag-atake ay isinisisi nito sa isa sa pinakamakapangyarihang drug groups, ang Jalisco New Generation Cartel.