Port of Batangas, alternatibong ruta patungong Visayas

0
photo_2025-05-21_13-32-53


Courtesy: PPA

Dumarami ang mga truck driver na ginagamit ang Port of Batangas bilang alternatibong ruta patungong Visayas, dahil sa pansamantalang limitadong access ng San Juanico Bridge, para sa malalaking cargo trucks, alinsunod sa ibinabang advisory ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ayon sa ulat, ilang driver ang lumipat ng ruta mula Port of Matnog patungong Port of Batangas.


Courtesy: PPA

Sinabi ng mga driver, na apektado sila ng limitadong access sa San Juanico Bridge mula Samar patungong Leyte, kaya’t naghanap sila ng alternatibong daraanan.

Bagama’t dagdag-layo anila, malaking tulong pa rin na may alternatibong ruta para mapanatiling tuloy-tuloy ang biyahe ng kanilang mga kargamento.

Aldrin Puno

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *