Malakas na ulan nanalasa sa Brazil, 23 katao, patay

Rescue workers search for victims among debris after Brazil’s government recognized a state of calamity due to heavy rains which have killed residents and left missing people, in Juiz de Fora, Minas Gerais state, Brazil, February 24, 2026 / REUTERS/Pilar Olivares
Patay ang 23 katao habang 43 naman ang nawawala, matapos bayuhin ng malalakas na pag-ulan ang estado ng minas gerais sa timog-silangang bahagi ng brazil.
Kinumpirma ng state fire department na 16 ang namatay sa siyudad ng Juiz de Fora at pito naman sa Uba, na nasa 110 km ang layo.
Sa ulat ng Juiz de Fora city hall, nasa 440 katao ang na-displace sa Juiz de Fora, matapos bumaha at magkaroon ng landslides dulot ng malalakas na pag-ulan, na nagresulta rin sa pagsuspinde ng mga klase sa municipal schools.
Una nang nag-isyu ng rain alerts ang National Institute of Meteorology para sa 14 na mga estado, kabilang ang kabuuan ng Minas Gerais at Rio de Janeiro.
Samantala, nagdeploy na ng specialized teams upang rumesponde sa insidente at hanapin ang mga nawawala.
Ayon sa state fire department, kabilang dito ang 136 mga opisyal, kung saan 108 dito ay idineploy sa Juiz de Fora at 28 naman sa Uba.
Sinabi ng 24-anyos na state firefighter na si Gabriel Vitor, “It’s a precarious situation; many people are missing. But by helping each other, we’ll eventually find everyone.”
Nagdeklara na rin ng state of calamity ang gobyerno ng Brazil sa Juiz de Fora, upang mapabilis ang relief at humanitarian aid.
Inilarawan naman ni Juiz de Fora Mayor Margarida Salomao ang sitwasyon bilang “kritikal,” at ito na ang pinakamaulang Pebrero na naranasan sa kasaysayan ng lungsod, dahil ang dami ng bumagsak an ulan ay higit na doble kaysa inaasahan.
Nagpaabot naman ng pakikiramay si brazilian President Luiz Inacio Lula da Silva, at sinabing nakapokus ngayon ang gobyerno sa pagbibigay ng ayuda, pagtiyak na maibabalik ang basic services, suportahan ang mga na-displace at tumulong sa reconsturction.