Loose firearms isinuko sa pulisya sa Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao

0

Courtesy: PNP

Naging matagumpay ang ginanap na ceremonial turnover ng mga isinukong loose firearms sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte gymnasium.

Dinaluhan ito ni Provincial Police Director George Bagundol at ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan.

Courtesy: PNP

Kaugnay ito ng kampaya ng pulisya laban sa loose firearms upang maiwasan ang mga shooting incident sa lugar.

Ito ang marching order ni Police Brig. Gen. Gaysen de Guzman, upang mapangalagaan ang mga mamamayan, mahuli ang mga ilegal at patuloy na lumago ang lugar, lalo na at isa rin ito sa sentro ng turismo.

Bukod sa malawak na taniman ng palay, mais, at niyog ay matatagpuan din sa lugar ang naggagandahang beach resort.

Courtesy: PNP

Pinasalamatan naman ni Bagundol ang kooperasyon ng mga mamamayan at lokal na pamahalaan sa pagtugon sa isyu ng kapayapaan sa lugar.

Richard dela Cruz

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *