Pagnipis ng suplay ng kuryente posible sa tag-init

0

Posibleng magkaroon ng pagnipis sa suplay ng kuryente sa panahon ng tag-init.

Ayon sa Independent Electricity Market Operator of the Philippines (IEKOP), inaasahan ang pagtaas ng konsumo ng kuryente dahil sa matinding init ng panahon.

Sinabi ni Engr. Isidro Cacho, Vice President for Trading Operations ng IEMOP, na kapag sobreng init ay maaaring magkaroon ng force outages sa ilang planta ng kuryente,  dahil kailangan nang sumailalim sa maintenance ang mga ito.

Sinabi ni Cacho, “At kung talagang mataas, ay umaabot doon sa pinapaandar natin yung mas mahal na planta, tulad ng mga oil-based, yung mga coal plants, para magkaroon tayo ng supisyenteng supply ng kuryente. So, pagdating ng summer, yan ang tinatawag natin na peak demand month. Kasi, bakit mataas ang konsumo ng kuryente kapag summer? Eh, sa atin po, alam natin na mainit. So, kapagka mainit, lahat po ng mga air conditioner, siyempre nakatodo yan, lahat ng cooling system natin, pati yung mga ref natin, na i-stress yan.”

Paliwanag ni Cacho, kapag umabot na sa apat na libong megawatts ang demand, ito ay palatandaan ng pagnipis ng suplay, at posibleng magdulot ng pagtaas sa presyo ng kuryente.

Gayunman, tiniyak niya na may mga nakahandang programa ang Department of Energy (DOE), para masiguro ang sapat na suplay ng kuryente sa panahon ng tag-init.

Aniya, “Pero hindi ko po sinasabi yung magkakakulang ng kuryente. Yan po yung ating backup plan. Pero this summer po, nakikita naman namin na meron tayong tinatawag na ample supply. So may sufficient supply po tayo ng kuryente na nakikita.”

Karaniwan aniyang pinakamataas ang temperatura sa mga buwan ng Abril at Mayo, kaya asahan ang malakas na pangangailangan sa kuryente sa mga panahong ito.

Dagdag pa ni Cacho, may mga backup plan din ang MERALCO at iba pang electric company sa bansa upang maiwasan ang malawakang brownout sa summer.

Sabi niya, “Sa MERALCO po, merong mga tinatawag na interruptible load program. Ito po yung mga large commercial users na kung saan, kapag talagang kinapos ang supply ng kuryente, puwede pong yung mga malalaking gumamit ng sarili nilang generator para po mabawasan yung demand sa grid. So meron po tayong mga programa na in-implement.”

Earlo Bringas

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *