Paliparan at sikat na hotel sa Dubai nasira dahil sa pag-atake ng missile ng Iran

0

A view of the Burj Al Arab hotel and Burj Khalifa in Dubai, United Arab Emirates, June 9, 2021. Picture taken June 9, 2021. REUTERS/Christopher Pike

Nagtamo ng pinsala ang international airport ng Dubai at ang makasaysayang hotel nito na Burj Al Arab, matapos na kumalat ang retaliatory attacks ng Iran sa mga estado sa Gulpo at sa mas malawak na Gitnang Silangan, na lumampas pa sa mga base at interes ng Estados Unidos.

Iniulat ng media office ng emirate, apat katao ang nasaktak sa paliparan.

Ayon naman sa media office ng Dubai, “a concourse at Dubai International (DXB) sustained minor damage in an incident, which was quickly contained,” ngunit hindi nagbigay ng dagdag na detalye.

Kalaunan ay kinumpirma nito na isang drone ang na-intercept, at nagdulot ng isang maliit na sunog ang debris sa outer facade ng Burj Al Arab hotel.

A general view of the luxury Burj al-Arab Hotel at Jumeirah area in Dubai, UAE December 9, 2015. Picture taken December 9, 2015. REUTERS/Karim Sahib/Pool/File Photo

Ang Dubai ang pinakamalaking tourism at trade hub sa Gitnang Silangan at ang paliparan nito ang isa sa pinakaabalang paliparan sa mundo.

Ang Burj Al Arab hotel naman ang isa sa pinakamatagal nang pinakakilalang simbolo ng emirate.

Isa ring sunog ang sumiklab malapit sa isa pang hotel sa artipisyal na Palm Jumeirah Island sa siyudad.

Ayon sa Aviation sources, napinsala sa overnight Iranian attack ang isa sa mga terminal ng paliparan.

Samantala, nasunog din ang isa sa Jebel Ali Port berths sa Dubai dahil sa debris na galing sa isang aerial interception, batay sa hiwalay na pahayag ng Dubai media office.

Ang Iran ay nagpakawala ng missiles sa Abu Dhabi, Dubai at Doha, na lahat ay pangunahing east-west aviation gateways.

Nagsuspinde naman ng mga biyahe ng eroplano sa buong Middle East nitong Sabado, kabilang na ang mula at patungo sa Dubai at Abu Dhabi.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *