Fuel tanker na nasa Strait of Hormuz nasunog matapos ang drone strike

0

A car rides along the coast of Musandam overlooking the Strait of Hormuz amid the U.S.-Israeli conflict with Iran, Oman, March 2, 2026.REUTERS/Amr Alfiky

Isang Honduran-flagged fuel tanker na nasa Strait of Hormuz ang nasunog, makaraang tamaan ng dalawang drones ayon sa Revolutionary Guards ng Iran.

Sa ulat ng Iranian news agencies, ang strait ang pinakamahalagang oil export route sa mundo, na nag-uugnay sa pinakamalalaking Gulf oil producers, gaya ng  Saudi Arabia, Iran, Iraq at United Arab Emirates, kasama ng Gulf of Oman sa Arabian Sea.

Ayon sa pahayag ng Revolutionary Guards, ang fuel tanker ay tinatawag na Athen Nova.

A map showing the Strait of Hormuz and Iran is seen behind a 3D printed oil pipeline in this illustration taken June 22, 2025. REUTERS/Dado Ruvic/Illustration/File Photo

Hindi naman tinukoy ng isang Iranian military spokesman na ang barko ay tinamaan ng Iranian drones, ngunit binanggit ang tungkol sa military operations ng Revolutionary Guards sa Gulf area, sa isang report na kaniyang ibinigay sa state TV.

Iminumungkahi naman sa Iranian media reports na ang naturang tanker ang nagbibigay ng fuel para sa mga barko ng U.S. Navy.

Hindi naman agad na nagkomento ang manager ng barko, at hindi rin agad makontak ang registered owner ng Athe Nova.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *