PBBM, iginiit na nananatiling sapat ang suplay ng pagkain sa bansa

0

Maagang nag-ikot sa Agora market sa San Juan si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., kasama sina Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr., at Trade Secretary Christina Roque.

Sinabi ng pangulo na nananatiling normal ang presyuhan ng mga pangunahing bilihin, at nakasusunod pa rin naman sa price cap sa kabila ng patuloy na pagsirit ng halaga ng mga produktong petrolyo.

Tiniyak din ng pangulo na nananatiling sapat ang suplay ng pagkain sa bansa, kaya naman hindi aniya kailangang mag-hoard.

Natuwa naman ang pangulo na sa pag-iikot ay wala siyang nakitang tindera na namantala sa presyuhan ng paninda.

Tiniyak naman ni Roque, na nakipag-usap na sila sa manufacturers at tiniyak ng mga ito sa kanila na walang mangyayaring pagtaas sa presyo ng basic necessities at prime commodities sa darating na 30 araw.

Dumaraing naman ang ilang manininda sa Agora market, dahil sa kakaunti na lang ang namimili.

Ang iba sa kanila ay nababaon na umano sa utang, dahil tumataas ang kuha nila sa supplier pero hindi naman nila maipasa sa mga customer, dahil lalong walang bibili sa kanila.

Madelyn Villar-Moratillo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *