27 bangkay natagpuan pagkatapos ng pambobomba sa  Ecuador border

0

Colombian President Gustavo Petro addresses the Organization of American States (OAS) in Washington, D.C., U.S., February 4, 2026. REUTERS/Kylie Cooper

Dalawampu’t pitong sunog na bangkay ang natagpuan sa  Colombia makaraan ang mga pambobomba malapit sa border nito sa Ecuador, ayon kay Colombian President Gustavo Petro, habang sinabi naman ni Ecuadorian President Daniel Noboa, na binomba nila ang drug traffickers sa sarili nilang teritoryo.

Sinabi ni Petro, na hindi responsable ang Colombian security forces dahil hindi naman aniya siya nagbigay ng utos, pero hindi na nagbigay ng dagdag na impormasyon tungkol sa natagpuang mga bangkay.

Ang pahayag ni Petro ay nagmumungkahi na binomba ng Ecuador ang teritoryo ng Colombia.

Sa kaniya namang social media post ay sinabi ni Noboa,  “President Petro, your declarations ​are false, we are acting in our territory, not yours.”

Aniya, ang lugar na binomba ay hideouts ng karamihan sa Colombian narco-terrorism groups, at sinabi pa na, “We will continue to clean up and rebuild ​Ecuador.”

Hindi naman agad tumugon ang Ecuadorean government sa kahilingan para magkomento tungkol sa natagpuang mga bangkay.

Matatandaan na noong Linggo ng gabi ay naglunsad ang Ecuador ng mga operasyon laban criminal gangs sa apat na mga lalawigan, at maging sa border, ngunit hindi nag-ulat tungkol sa mga operasyon sa border.

Una nang sinabi ng Ecuador, na ang kanilang anti-drug trafficking operations ay suportado ng ka-alyado nilang mga bansa, kasama ang Estados Unidos.

Kalaunan ay nagpost si Petro ng larawan mula sa Colombian state-run RTVC television, na aniya’y nagpapakita ng isa sa mga bomba.

Ang palitan ng pahayag sa social media, ang pinakabagong alitan sa pagitan ni Noboa at Petro.

Matatandaan na tinaasan ni Noboa ang duties sa Colombian goods ng 50% noong nakaraang buwan, sa pagsasabing hindi sapat ang ginagawa ng katabi nilang bansa upang labanan ang drug trafficking.

Sinabi naman ng Colombia na ikinukonsidera nitong gumawa ng katulad ding hakbang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *