EU leaders nanawagan para sa moratorium sa mga pag-atake laban sa energy at water facilities sa Middle East

0

A gas flare burns at the Lanaz refinery after it was targeted by a drone strike, in Erbil, Iraq, March 14, 2026. REUTERS/Khalid al Mousily/File Photo

Nanawagan ang mga lider ng European Union (EU) para sa isang ​moratorium sa military strikes sa energy at ‌water facilities sa Gitnang Silangan, sa gitna ng tumitinding pangamba tungkol sa epekto ng giyera sa Iran sa global ​economy.

Sa isang written conclusions ng isang summit sa Brussels, ay sinabi ng mga lider ng 27 bansang bumubuo sa EU, “The European Council calls for de-escalation and ​maximum restraint, the protection of civilians and civilian infrastructure and full respect of international law ​by all parties. In this regard, it calls for a moratorium on strikes against ​energy and water facilities.”

Nanawagan ang mga lider para palakasin ang umiiral na Red Sea naval mission na Aspides at ang counter-piracy naval mission na Atalanta, sa Horn of Africa sa pamamagitan ng dagdag pang assets, alinsunod sa kani-kanilang mandato.

Una nang binatikos ni U.S. President Donald Trump ang kaniyang mga kaalyado na hindi pinagbigyan ang kaniyang kahilingan na tumulong sa pag-secure sa Strait of Hormuz, na dinaraan ng humigit-kumulang ikalimang bahagi o 1/5 ng oil shipping buong mundo.

Sa kanilang pahayag, ay sinabi ng European leaders, “We welcome the increased efforts announced by Member States, including through strengthened coordination with partners ​in the region, to ensure ​freedom of navigation in the Strait of Hormuz, once the conditions ​are met.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *