Palawan 2nd Special Operations Unit ng PNP Maritime Group, Pinarangalan

Courtesy: Palawan Maritime SOU II
Tumanggap ng Plaque of Commendation bilang mula sa Puerto Princesa City DRRMO, ang PNP Maritime Group, Palawan 2nd Special Operations Unit na pinamumunuan ni Pol. Lt. Col. Ronnie B. Simpao, bilang pagkilala sa kanilang natatanging Humanitarian Assistance at Disaster Efforts.
Sumasalamin ang naturang karangalan sa dedikasyon, pagtutulungan, katatagan at kaligtasan ng Komunidad.

Courtesy: Palawan Maritime SOU II
Nagsisilbi rin itong motivation, upang higit pang palakasin ang paghahanda sa sakuna at hakbangin sa maagap na pag-Responde.
Samantala, ang 2nd Special Operations Unit ay taos-pusong nagpasalamat at muling pinagtibay ang layuning protektahan ang mamamayan at tiyakin ang kaligtasan ng komunidad.
Aldrin Puno