Community garden at pagbabago ng food lifestyle ng mga Pinoy, nakikitang solusyon sa nakaambang pagtaas ng halaga ng pagkain

0

Panahon na para baguhin ng mga Pilipino ang nakasanayang food lifestyle partikular sa pagkonsumo ng bigas

Ito ang isa sa mga nakikitang solusyon ng ilang ekonomista sa harap ng inaasahang pagtaas ng presyo ng bigas at iba pang agricultural products, dahil sa mataas na presyo ng petrolyo at fertilizer

Ayon kay Dr.Teodoro Mendoza, professor sa UP Los baños, kailangan na mabawasan ang kasalukuyang demand sa bigas upang matugunan ang presyo at posibleng kakulangan sa supply.

Aniya, ang kasalukuyang 119 kilo per capita consumption ng bigas ng mga pilipino ay dapat mabawasan o maging 85 kg per capita na lamang, at upang maging posible, maaari aniyang ipalit sa white rice ang brown rice, mais, gulay at root crops

Iminungkahi rin ni Dr. Mendoza ang pagbuhay sa mga community garden upang turuan ang mga Pilipino na magproduce ng sariling pagkain.

Sa panig naman ni Ms. Arze Glipo, Executive Director ng Integrated Rural Development Foundation, sinabi niya na dapat na dagdagan ng gobyerno ang pondo ng NFA sa pagbili ng ani ng mga mangsasaka, upang makontrol at mapigilan ang pagsirit sa 60-75 pesos ng presyo ng bigas sa bansa

Habang harvest season kailangan aniyang mamili ng NFA ng 200 thousand metric tons ng bigas sa local farmers sa halagang 27 pesos per kilo upang matulungan din ang mga magsasaka.

Panahon na rin ayon kay Glipo, na magkaroon at maisabatas ang Rice Security Act upang mapalakas ang lokal na produksyon ng bigas at kontrolin ang importasyon na pumapatay sa mga magsasaka.

Mar Gabriel

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *