Ipinatupad na price intervention ng Department of Energy sa mga produktong petrolyo, aprub sa mga senador

Aprubado kay Senate President Pro tempore Sen. Panfilo Lacson ang ipinatupad na price cap ng Department of Energy (DOE) sa nga produktong petrolyo sa gitna ng nararanasang krisis sa langis
Ayon kay Lacson, tama lang na gamitin ng gobyerno ang deklarasyon ng state of national energy emergency basta resonable ang pagkwenta ng DOE sa pagtaas o pagbaba ng halaga ng petrolyo
Mas makabubuti saniya sa mas maraming Pilipino ang ganitong polisiya sa halip na ipaubaya sa oil companies ang pagtatakda ng presyo
Sabi ni Lacson, binibigyan pa nga ng karapatan ang estado sa ilalim ng RA 8479 or Downstream Oil Industry Deregulation Act, na i-take over ng gobyerno ang operasyon ng oil companies sa panahon ng emergency
Sa pinakahuling rollback, aabot sa 24.94 pesos ang bawas sa kada litro ng diesel, 3.41 pesos naman sa gasolina, habang 2 pesos naman sa kerosene.
Para naman kay Protect Committee Chairman Senator Sherwin Gatchalian, napapanahon ang hakbang na ito ng DOE sa gitna ng mataas na presyo ng langis
Matagal na rin aniya nyang isinusulong ang unbundling sa fuel prices upang matiyak ang tamang basehan ng pump prices
Mar Gabriel