Medical mission isinagawa sa Alaminos Pangasinan, libu-libong mamamayan nakinabang
Libu-libong residente sa Alaminos, Pangasinan ang napagkalooban ng serbisyong medikal sa isinagawang medical mission.
Ito ay sa pamamagitan ng programang Doctors on Wheels o D.O.W ng isang kilalang 2.5 star hotel at ito ang kanilang Corporate Social Responsibility Program.
Ang D.OW. ay isang mobile medical bus na naglalaman ng apat na kama na ginagamit sa pag-eeksamin ng mga pasyente, sampung exmining chairs, medical examinatin lights at iba pang ginagamit para sa medical mission.
Kasama sa D.O.W ang mga volunteer Doctors, nurses, social workers, pharmacists, staffs, at personnel ng nasabing hotel.
Tumanggap ng libreng eye check up, medical consultation, blood pressure monitoring ang mga pamilya sa nasabing lalawigan.
Ang medical mission ay joint effort rin ng grupo ng mga mamamahayag na tinawag na Philippine Science Journalist, Mega Manila, ang Philippine Association of Publishers Incorporated o PAPI, Government, NGO’s at LGU’s ng Alaminos, Pangasinan.
Ulat ni: Anabelle Surara
