Pagbibigay proteksyon sa mga National heritage site sa bansa, proprotektahan ng Kamara

0
torre1

 

Maghahain ng panukalang batas si House Deputy Speaker Pia Cayetano para matiyak ang proteksyon ng mga National heritage site sa bansa.

Ayon kay Cayetano, hindi sya papayag na maulit ang pagkakaroon ng photobomber sa bantayog ni Jose Rizal sa Luneta matapos pahintulutan ang konstruksyon ng Torre de Manila.

Sa ngayon ay isinasapinal nalang nila ang panukalang batas para maproteksyunan ang mga National heritage sites sa bansa hindi lang ang kanilang pisikal na integridad kundi maging ang visual corridors nito.

Labis ang pagkadismaya ni Cayetano sa pagbawi ng Korte Suprema sa inilabas nitong Temporary Restraining Order laban sa pagpapatuloy ng konstruksyon ng nasabing condominium.

Ulat ni: Madelyn Villar – Moratillo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *