State visit ni Sultan Hassanal Bolkiah ng Brunie Darrussalam kasado na ayon sa Malakanyang
Handa na ang Malakanyang para sa dalawang araw na state visit ni Sultan Hassanal Bolkiah ng Brunie Darussalam na magsisimula ngayong Abril 26 hanggang Abril 28 kasabay ng ASEAN summit sa bansa.
Mamayang 6:45 ng hapon ay darating na sa bansa si Sultan Bolkiah.
Kinabukasan naman Abril 27 araw ng Huwebes ganap na 1:45 ng hapon magsasagawa ng writ laying activity si Sultan Bolkiah sa monumento ni Dr. Jose Rizal sa Luneta.
Alas dos ng hapon ay magkakaroon ng welcome ceremony sa Palasyo ng Malakanyang.
Alas dos bente ng hapon lalagda sa guest book ng Palasyo si Sultan Bolkiah.
Susundan ito ng expanded bilateral meeting sa loob ng Palasyo sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Sultan Bolkiah.
Alas tres ng hapon ay magkakaroon ng signing ng Joint Agreement ng Pilipinas at Brunie na susundan ng Joint Statement ng Pangulo at Sultan Bolkiah.
Alas siyete ng gabi ay hahandugan ng Pangulo si Sultan Bolkiah kasama ang kanyang deligasyon ng isang state dinner sa Palasyo ng Malakanyang.
Ulat ni: Vic Somintac