Mahihirap na manggagawa, posibleng mag-aklas – Associated Labor Unions

0
alu

Kung patuloy na babalewalain ng gobyerno ang lumalalang kahirapan dulot ng kawalang  trabaho, mababang sweldo at kontraktuwalisasyon.

Hindi imposible na mag-aklas na ang mga mahihirap na manggagawang Pilipino.

Ito ang pananaw ni Associated Labor Unions o ALU Spokesman Alan Tanjusay.

Ayon kay Tanjusay mapipilitan na ang mga pinakamahirap na salakayin ang mga imbakan ng bigas,  okupahin ang mga  government housing unit at angkinin ang mga lupain na hindi sa kanila dahil sa mga naturang problema.

Giit ni Tanjusay, hindi naman nila kinukonsinte ang mga naturang iligal na gawain, subalit iniuugnay naman nila ito sa iresponsableng gobyerno at hindi makataong mga employer at kapitalista.

Kahapon, tinatayang  nasa 1000 manggagawa ang lumahok sa kaliwa’t kanang kilos protesta sa iba’t ibang panig ng bansa bilang selebrasyon ng labor day.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *