Sen. Escudero pinag aaralan na paimbestigahang muli ang anomalya sa pork barrel

0
chiz

Sa harap ng mga balitang posibleng gawing state witness si Janet Lim Napoles, pinag-aaralan na ni Senador Francis Escudero ang paghahain ng resolusyon para muling maimbestigahan ng Senado ang kontrobersyal na anomalya sa Priority Development Assistance Fund o mas kilala sa pork barrel.

Ayon kay Escudero, hindi nabigyan ng closure ang imbestigasyon katunayan may mga Senador at Kongresista na hindi nakasama sa kinasuhan noon ng Department of Justice.

Katunayan, sinabi ni Escudero na batay sa report ng Commission on Audit, umaabot sa mahigit labing-apat na bilyong piso ang nalustay naPDAF sa mga bogus na Non Government Organizations.

Pero anim na bilyong piso lang rito ang dumaan sa mga NGO ni Napoles at kailangan pang imbestigahan kung saan napunta ang halos walong bilyong piso.

Puna pa ni Escudero, tila nasentro lang sa mga kalaban noon ng Aquino administration ang pagsasampa ng kaso at hindi nakasama sa mga nakasuhan ang mga kaalyado ng partido Liberal.

Kabilang sa mga Senador na nakasuhan dahil sa anomaly sa PDAF sina dating Senador Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla.

Maari naman aniyang habulin ng gobyerno ang iba pang idinadawit sa pork barrel scam dahil sa ilalim ng batas, 20 taon ang prescriptive period ng kasong plunder.

Ulat ni : Mean Corvera

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *