“Dutertenomics” posibleng magbaon pa sa Pilipinas sa utang ayon sa isang international economic analyst
Nagbabala ang isang international economic analyst na maaaring malubog sa utang ang Pilipinas dahil sa 8.2 trilyong pisong ‘Dutertenomics’.
Sinabi ni Anders Corr na maaaring malagay ang Pilipinas sa tinatawag na virtual debt bondage kung itutuloy nito ang naturang mga proyekto.
Aniya, pinaka-makikinabang ang China na inaasahang panggagalingan ng pinakamalaking pondong gugugulin sa infrastracture project ng gobyerno.
Mula sa 123 bilyong dolyar na utang ng gobyerno, ngayon ay maaari itong lumobo sa 290 bilyong dolyar hindi pa kasama ang interes na ipapataw dito.
Sa pagtaya ni Corr, sa sampung (10) porsiyentong interes rate na ipapataw ay posibleng umabot pa sa 452 bilyong dolyar sa paglipas ng panahon bukod pa ang iba pang utang mula sa iba pang bansa.