Nominasyon ni Sen. Cayetano sa DFA lusot na sa Commission on Appointments

0
alan sa ca

Walang kahirap hirap na lumusot sa makapangyarihang Commission on Appointment si Senador Alan Peter Cayateno bilang bagong kalihim ng Department of Foreign Affairs.

Pagbukas pa lamang ng sesyon ng CA Committee on Foreign Relations at matalakay ang rules agad naghain ng mosyon si Congressman Rodito Albano para makalusot si cayetano

Wala kahit  isang miyembro ang tumutol kaya agad inaprubahan ang mosyon ni Albano.

Ayon kay Senador Panfilo Lacson Chairman ng komite, kapag naaprubahan si Cayetano mamaya sa plenaryo maikukonsiderang deemed resigned na ito na nangangahulugang maari na siyang maupo bilang kalihim ng DFA bukas.

Ulat ni: Mean Corvera

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *