Report ni Pangulong Duterte kaugnay sa deklarasyon ng Martial Law sa Mindanao, natanggap na ng Kongreso
Naisumite na sa Senado at Kamara ang report ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa mga batayan sa pagdedeklara ng Martial Law sa Mindanao.
Ayon kay Senate President Aquilino Pimentel, personal nilang natanggap ang kopya ng report alas9:55 ng gabi sa Davao City.
Pinirmahan niya ang report kasama si House Speaker Pantaleon Alvarez.
Ang report ay natanggap ng Senado at Kamara limang minuto bago mag alas diez na deadline matapos itong ideklara noong alas diez gabi ng Martes habang nasa Russia ang Pangulo.
Sa ilalim ng saligang batas, inoobliga ang Pangulo na magsumite ng report sa loob ng 48 oras kung ano ang naging batayan sa pagdedeklara ng Martial Law.
Sinabi ni Pimentel bagaman hindi niya pa nababasa ang buong report, hindi maaring isapubliko ang nilalaman nito dahil sa mga delikadong impormasyon na nakasaad dito.
Ulat ni: Mean Corvera
