Walang tigil putukan sa Marawi City kahit holiday-AFP

download
courtesy of wikipedia.org

Walang magaganap na tigil putukan sa Mindanao sa pagtatapos ng Ramadan ng mga Muslim sa Lunes, Hunyo 26.

Ito ang naging paninindigan ni Armed Forces of the Philippines o AFP spokesperson Brig. General Restituto Padilla.

Ayon kay Padilla, kahit holiday ay hindi sila bibitiw sa operasyon upang hindi sila malusutan ng mga terorista sa Marawi City at sa iba pang mga nagbabalak ng kaguluhan sa Mindanao.

Tuloy din aniya ang clearing operations sa lunsod ganundin ang mas pinaigting na opensiba laban sa Maute group.

Sa kabila nito, tiniyak naman ni Padilla na gagawin nila ang lahat upang maging maayos ang pagdiriwang ng mga muslim sa kabila ng bakbakan sa lunsod.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *