5 NPA members, sumuko sa Philippine Army sa Sultan Kudarat

Limang miyembro ng New People’s Army o NPA ang sumuko sa Philippine Army sa Senator Ninoy Aquino Sultan Kudarat.

Ayon kay Lt. Col. Harold Cabunoc, Commanding officer ng 33rd Infantry o Makabayan batallion, ang mga rebelde ay mula sa Platoon myphone ng Guerilla front 73.

Kabilang sa mga sumuko ay sina Misuari Digan-18 taong gulang, Ome Digan-48, Adot Digan-30, Siale Digan-16 at Eson Digan-25.

Si Siale ay isang child warrior na nirecruit ng mga rebeldeng grupo noong 2015. Nakumbinsi daw siyang sumapi sa grupo matapos pangakuan na tutulungan silang mabawi ang kanilang lupa.

Isinuko rin ng mga ito ang tatlong mga armas kabilang ang isang kalibre 30, M1 Garand, Caliber 30-M2 Carbine at isang 40 mm-M79 Grenade Launcher.

Taong 2014 nang i-recruit sila ng isang Ka MacMac sa Barangay Tupi Bato.

Ang mga surrenderees ay ipi-prisinta sa lokal na pamahalaan ng Sultan Kudarat upang makatanggap ng kaukulang benepisyong nakalaan para sa mga rebeldeng nagbabalik loob sa pamahalaan.

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *