Comelec, sinimulan na ang decryption at printing ng ballot images kaugnay sa electoral protest ni dating Senador Bongbong Marcos

0
000_9R2TT-1

Inumpisahan na ng Comelec ang decryption at printing ng mga ballot images mula sa tatlong pilot provinces para sa recount ng mga boto kaugnay sa electoral protest ni dating Senador Bongbong Marcos laban kay Vice-President Leni Robredo.

Kinumpirma ng tagapagsalita ni Marcos na si Atty. Victor Rodriguez na nitong lunes, October 23 umusad na ang pag-decrypt at pag-imprenta ng ballot images at iba pang data sa SD card mula sa Camarines Sur, Iloilo at Negros Oriental alinsunod na rin sa kautusan ng PET.

Isinagawa anya ito sa Comelec main headquarters sa intramuros,maynila at dinaluhan ng mga kinatawan ng presidential electoral tribunal at comelec legal department.

Ayon kay Rodriguez, aabutin ng pitong buwan ang pagtapos sa decryption at printing ng ballot images sa tatlong pilot provinces.

Tinangka pa anya ng kampo ni Robredo na ipagpaliban ang decryption sa kadahilanang dalawang revisors lang ang kanilang dinala.

Pero ibinasura ng Comelec ang motion to postpone ni Robredo at itinuloy ang decryption.

Sinabi pa ni Rodriguez na inatasan na rin ng PET ang mga exploratory teams na simulan na ang paghanap sa mga ballot boxes sa clustered precincts ng Cam Sur para maipagutos na ang retrieval at transfer nito sa Supreme Court sa Maynila kung saan isasagawa ang recount ng mga boto.

Ulat ni Moira Encina

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *