Pangulong Duterte nilagdaan na ang appointment papers ni Nicanor Faeldon bilang bagong BuCor Director

0
despite-calls-to-resign-faeldon

Kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra na pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang appointment ni Nicanor Faeldon bilang bagong Bureau of Corrections Director- General.

Ayon sa kalihim, nakatakda ng ilabas ng Office of the Executive Secretary ang appointment papers ni Faeldon.

Ang anunsyo ni Guevarra ay kasabay ng pagdiriwang ng BuCor sa ika-isangdaang at labing-tatlong anibersaryo ng kawanihan.

Kalagitnaan ng Oktubre nang ianunsyo ng Pangulo ang pagpili niya kay Faeldon para ipalit kay dating BuCor Chief General Ronald Dela Rosa na naghain ng kanyang kandidatura sa pagka-senador.

Ulat ni Moira Encina

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *