Oral arguments ng Korte Suprema sa mga petisyon laban sa ikatlong extension ng batas militar sa Mindanao, tuloy na mamayang hapon

0
BeFunky-collage-2

Makaraang ipagpaliban noong nakaraang linggo, tuloy na mamayang alas dos ng hapon ang oral arguments ng Korte Suprema sa mga petisyon laban sa ikatlong extension ng batas militar sa Mindanao.

Sa resolusyon ng Supreme Court en banc, mauunang sumalang sa oral arguments ang Office of the Solicitor General na kakatawan sa panig ng gobyerno para ilatag ang factual basis ng muling pagpapalawig ng martial law sa Mindanao.

Sa oras na matapos ang interpelasyon ng mga mahistrado sa OSG ay susunod naman ang kampo ng tatlong petitioners.

Kabilang sa mga kumuwestyon sa legalidad ng martial law extension ang mga opposition congressmen na tinaguriang ‘Magnificent 7,’ ang grupo ni dating Comelec chairman Christian Monsod at ang Makabayan bloc sa Kamara.

Ilan sa mga gusto ng Korte Suprema na sagutin ng mga respondents at petitioners ay kung may sapat bang factual basis para sa pagpapalawig ng martial law at kung may nagaganap bang rebelyon sa Mindanao at nanganganib ba ang kaligtasan ng publiko

Gayundin, kung maituturing ba na isyung pulitikal ang pag-apruba ng Kongreso sa extension ng martial law at walang kapangyarihan ang korte na ito ay busisiin.

Nais ng mga petitioners na ideklara ng Supreme Court na labag sa Saligang Batas at ipatigil ang implementasyon ng muling pagpapalawig ng martial law sa Mindanao.

Nanawagan din ang mga ito na imbestigahan mismo ng Korte Suprema ang basehan ng gobyerno sa martial law extension.

Ulat ni Moira Encina

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *