Ilang Korte, pisikal na sarado para sa disinfection habang hinihintay ang COVID test results ng mga kawani
Pansamantalang sarado ang ilang Hukuman sa bansa dahil sa kaso ng COVID-19.
Kabilang sa mga ito ay ang Baguio City Municipal Trial Court In Cities at Office of the Clerk of Court, at Sta. Cruz, Davao del Sur Municipal Trial Court na naka-lockdown hanggang Pebrero 18 o hanggang sa lumabas ang resulta ng COVID swab test ng mga kawani.
Isinailalim naman sa disinfection ang Linamon-Matungao-Tagoloan, Lanao del Norte Municial Circuit Trial Courts kaya ito isinara hanggang Pebrero 5.
Isinara rin para sa disinfection ang Mandaue City Hall of Justice at ang mga hukuman na naka-istasyon Shinebright Business Center, Tipolo, Mandaue City.
Maaari namang ma-contact ang mga nasabing Korte sa pamamagitan ng kanilang hotlines at email addresses.
Moira Encina