Korte Suprema muling nireorganisa ang tatlong dibisyon
Muling nagpatupad ng reorganisasyon sa tatlong dibisyon ng Korte Suprema.
Ito ay makaraang maitalaga si bagong Chief Justice Alexander Gesmundo.
Si Gesmundo na ang chairperson ng Supreme Court First Division.
Magsisilbi namang working chairperson ng First Division si Justice Alfredo Benjamin Caguioa habang miyembro sina Justices Rosmari Carandang,Rodil Zalameda, at Samuel Gaerlan.
Si Senior Associate Justice Estela Perlas-Bernabe pa rin ang chair ng SC Second Division at mga miyembro sina Justices Amy Lazaro-Javier, Mario Lopez, at Ricardo Rosario, habang additonal member si Justice Jhosep Lopez.
Si Justice Marvic Leonen ang chair ng SC Third Division at miyembro sina Justices Ramon Paul Hernando, Henri Jean Paul Inting, Edgardo Delos Santos, at Jhosep Lopez.
Moira Encina