Alex Eala at Renata Zarazua, abante na sa ikalawang round ng French Open women’s doubles


REUTERS/Aleksandra Szmigiel
Umabante na sa ikalawang round ng French Open women’s doubles torunament.
Tinalo ng dalawa ang tambalan nina Emily Appleton ng United Kingdom at Yvonne Cavalle-Reimers ng Spain, sa score na 7-5, 6-4, upang makapasok sa 2nd round.
Sunod namang kakaharapin ni Eala at Zarazua, ang tambalan nina Olga Danilovic ng Serbia at Anastasia Potapova ng Russia.
Ang 20-anyos na si Eala ay trese anyos pa lamang nang magsimulang mag-training sa Rafael Nadal Academy sa Mallorca, Spain.
Sa ngayon siya ay ranked 73 sa singles.
Napanalunan ng Pinay tennis senasation ang 2022 US Open girl’s singles trophy, at nakaabot sa semi-finals sa Miami noong Marso kung saan gumawa ito ng kasaysayan makaraang talunin ang tatlong Grand Slam winners na sina Jelena Ostapenko, Madison Keys at ang world number two na si Iga Swiatek.
Bago ang panalo kasama si Zarazua, lumasap si Eala nang pagkabigo sa kamay ni Emiliana Arango ng Colombia sa unang round ng women’s singles tournament.