Barkong may kargang 35,000 bags ng well-milled NFA rice dumating na sa Cebu

0
photo_2025-05-14_15-01-54

Sinimulan na ng National Food Authority (NFA) na magdiskarga ng 35,000 bags ng well-milled rice sa Cebu mula sa Mindoro, na bahagi ng ilot test sa Visayas para sa P20/kilo na programa sa bigas ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

Nagkasundo ang Cebu, Bohol, Siquijor at Southern Leyte na sumali sa subsidized rice incentive at magkakaroon ng inisyal at pinagsamang order ng 673,000 50-kilo bags para sa pilot test, na tatagal hanggang isyembre upang kulektahin ang kinakailangang data upang mapalawig pa ang programa.

Sinabi ni NFA Administrator Larry Lacson, na ang shipment ay bahagi ng 600,000 bags ng bigas na inorder ni Cebu Gobernor Gwendolyn Garcia para sa inisyatibang “Benteng Bigas Meron Na! (BBM Na!).

Nag-order ang Siquijor ng 40,000 bags ng bigas, 30,000 bags naman ang inorder ng Southern Leyte, at ang Bohol ay umorder ng 3,000 bags.

Ang P20, BBM Na! ay subsidiyang rice program na magkatuwang na ipinatupad ng Department of Agriculture (DA) sa pamamagitan ng Food Terminal Inc. (FTI), sa pakikipagtulungan ng sumaling local government units.

Ang FTI at LGU ang babalikat ng pantay na P13/kilo subsidy upang maibaba ang retail price ng bigas ng hanggang P20. Ang bigas ay kukunin sa NFA stocks na pinili sa mga lokal na magsasaka.

Naglaan ang pangulo ng P4.5 billion mula sa kanyang contingency fund upang suportahan ang pilot implementation ng programa na tatagal hanggang Disyembre.

Inatasan din nito ang DA na ipagpatuloy ang inisyatiba hanggang sa matapos ang kanyang termino sa 2028, at nangako nang ganap na suporta sa programa na layuning mapagaan ang problemang pampinansiyal ng consumers, partikular ang mga nasa pinakamahihirap na sektor tulad ng senior citizens at mga kapuspalad.

Sa kasalukuyan, ang programa ay pinasimulan sa Visayas region, KADIWA ng Pangulo centers, 11 LGUs na nakilahok at piling resettlement sites ng National Housing Authority (NHA) na sumali na national food security emergency response ng Pilipinas.

Sinabi ni Administrator Lacson na ang paglilipat sa Cebu, ay inaasahang makukumpleto sa Hunyo ng 240,000 na sako mula sa NFA warehouses sa Mindoro at Iloilo.

Idinagdag nito na ang pagpapaluwag sa mga warehouse ay lubhang kailangan upang maipagpatuloy ang pamimili ng bigas sa mga lokal na magsasaka. Nitong Abril a trenta, naitala ang 7.39 million bags, katumbas ang sampung araw na pambansang reserba.

Ang NFA ay kasalukuyang bumibili ng palay sa mga magsasaka at ang presyo ay nasa pagitan ng P18 hanggang P24 per kilo. Ang ahensiya ay naghahanap o kung hindi man ay madoble ang kasalukuyang P9 na billion na alokasyon upang mapaganda ang impluwensiya at suporta sa kita ng magsasaka.

Pagkatapos ng midterm elections, ang rollout ng P20 bigas sa 12 KADIWA ng Pangulo centers sa Metro Manila at kalapit na mga lalawigan ay ibinalik na.

Bukas naman, Huwebes, Mayo15, ang bilang ng KADIWA centers ay magiging 32 na.

Eden Santos

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *