Bentahan ng P20 na bigas balik na sa Kadiwa stores


Maaari na ulit bumili ng P20 kada kilong bigas ang mga Pilipinong nasa vulnerable sector.
Ito ay dahil sa natapos na ang deadline nang ipinatupad na ban na inisyu ng Commission on Elections (Comelec), sa bentahan ng P20 na kada kilo ng bigas dahil sa panahon ng eleksiyon.
Nagbukas na ang Kadiwa store ng Department of Agriculture (DA) sa Elliptical Road, Quezon City para magbentang muli ng nasabing murang bigas.
Hanggang sampung kilo ang maaaring bilhin.

Sinabi ni Beverly Avila, cashier ng FTI-Kadiwa na kailangan lang magdala ng ID ng Senior Citizen, PWD, Single Parent at 4Ps ang mga bibili ng P20 kada kilong bigas.
Una nang ipinatigil ng Comelec ang bentahan ng P20 na bigas dahil sa panahon ng eleksiyon, upang maiwasan na magamit ito sa kampanya ng mga kandidato.
Eden Suarez