Digital innovation, sustainable growth, isinulong ng Pilipinas sa APEC meet

0
apec-mrt-2025

Asia Pacific Economic Cooperation economies, observers and guests at the APEC Ministers Responsible for Trade Meeting held in Jeju, South Korea / Photo courtesy of DTI

Nanawagan ang Pilipinas sa trade ministers ng mga katabi nitong bansa na isulong ang digital innovation, open trade at sustainable growth sa katatapos na Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Ministers Responsible for Trade (MRT) Meeting sa Jeju, South Korea.

Sa isang pahayag, sinabi ng Department of Trade and Industry (DTI) na binigyang-diin ni Secretary Ma. Cristina Roque ang pagsusulong ng bansa para sa isang rules-based global trading system na nagtataguyod ng pagiging patas, transparency at inclusivity.

Sabi ni Roque, “The Philippines stands firm in promoting an open, rules-based multilateral trading system that upholds fairness, transparency, and inclusivity — crucial to building resilient and inclusive economies. We remain concerned with actions that jeopardize global supply chains, raise trade costs and erode confidence in the multilateral system.”

Binigyang-diin pa ni Roque ang potensyal ng artificial intelligence at mga umuusbong na teknolohiya sa muling paghubog ng pandaigdigang kalakalan, na binanggit kung paano namumuhunan ang Pilipinas sa digital at creative industries, na sinusuportahan ng mga batas at mga programa para sa pag-unlad ng workforce.

Aniya, “AI and emerging technologies offer an unprecedented opportunity to redefine global trade. It is imperative that we create an empowering digital environment, one that is secure, inclusive and prosperous.”

Nanawagan ang DTI chief para sa mas malakas na kooperasyong panrehiyon upang tugunan ang mga hamon sa global digital landscape, tulad ng digital divide, data privacy concerns, cybersecurity threats at regulatory fragmentation.

Sa talakayan ng APEC trade ministers sa multilateral trading system, binigyang-diin ni Roque ang pangangailangan para sa mga reporma sa World Trade Organization dispute settlement mechanism at hinimok ang patuloy na negosasyon hinggil sa mga subsidiya sa agrikultura at pangisdaan.

Hinikayat niya ang mga ekonomiya ng APEC na ihanay ang mga patakaran sa kalakalan sa pangangalaga sa kapaligiran at kagalingang panlipunan, na nagsusulong para sa isang whole-of-nation approach upang makamit ang sustainable at resilient economy.

Ani Roque, “It is crucial to engage with a wide range of stakeholders, including businesses, civil society and the scientific community, to ensure that trade policies are informed by the latest knowledge and best practices.”

ibinahagi rin ng kalihim ang regulatory reforms at infrastructure investments ng Pilipinas na naglalayong mabawasan ang logistics costs.

Idinagdag niya na sa ilalim ng administrasyong Marcos, ang Pilipinas ay aktibong nakikipag-ugnayan sa mga rehiyonal at pandaigdigang mga kasosyo upang pasiglahin ang isang mas inklusibo, makabago at napananatiling kapaligiran ng kalakalan, na naaayon sa mga pangunahing core values ng APEC, ang kooperasyon, pagiging bukas at shared prosperity.

PNA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *