Pagpapatibay ng panukalang batas na lilikha ng digital council para gumawa ng Code of Ethics sa paggamit ng social media kontra fake news, pipiliting maihabol ng Kamara

0
HREP LOGO

Bagama’t sampung session days na lamang ang nalalabi sa 19th congress, pipilitin pa rin ng ilang mambabatas na mapagtibay ang panukalang batas na lilikha sa Digital Council of the Philippines, na siyang babalangkas ng mga alituntunin o Code of Ethics sa paggamit ng social media upang masawata ang pagpapakalat ng fake news sa bansa.

Sinabi ni Bataan Representative Geraldine Roman, na ang digital council ay bubuuin ng registered content creators, digital advertisers at public relations firm kasama ang mga kinatawan ng social media platforms tulad ng Facebook, X na dating Twitter, TikTok at Artificial Intelligence o AI groups.

Bataan Representative Geraldine Roman

Ayon kay Roman, mahalaga na mayroong mananagot na content creator sa mga kumakalat na fake news sa social mediana lubhang nakapipinsala sa personalidad ng bawt indibidwal, kaya kailangang mayroong regulatory body ang gobyerno.

Inihayag naman ni Deputy Majority ;eader La Union Representative Paolo Ortega, na lahat ay maaaring maging biktima n fake news sa social media na makaaapekto sa bawat indibidwal, kasama ng iba’t ibang entities mapa-gobyerno o pribadong institusyon.

Deputy Majority ;eader La Union Representative Paolo Ortega

Niliwanag ni Ortega na ang pagkalat ng fake news ang dahilan kaya binuo ng liderato ng Kamara ang Tri—Committee na nagsasagawa ng imbestigasyon in aid of legislation, para makabuo ng batas na magreregulate sa paggamit ng social media sa bansa.

Vic Somintac

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *