DOE, nanawagan sa publiko na magtipid sa tubig at kuyente sa panahon ng El Niño
Umapela sa publiko si Energy Secretary Rafael Lotilla na magtipid sa paggamit ng tubig at kuryente ngayong pumasok na ang El Niño Phenomenon.
Sinabi ni Lotilla na sinisikap ng Department Of Energy (DOE) katulong ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), Energy Regulatory Commission (ERC) at National Water Resources Board (NWRB) na mabalanse ang supply ng kuryente at tubig sa bansa na ipinamamahagi ng electric cooperatives at water concessionaires sa panahon ng tagtuyot.
Inihayag ni Lotilla na nakikipagtulungan din ang DOE sa Inter Agency Task Force On El Niño na binuo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa kaukulang energy at water management .
Ayon kay Lotilla, lahat ng energy source ng bansa mula Hydro, Coal, Crude Oil, Natural Gas, Wind at Solar Power ay naka-standby upang matiyak na mayroong nakalaan na suplay ng kuryente at tubig kapag tumama na ang matinding epekto ng El Niño.
Vic Somintac