Kongresista, umapela kay PBBM na sertipikahang urgent ang panukala sa pagbuo ng Dept. of Water

Photo courtesy of pco.gov.ph

Umapela si Albay Congressman Joey Salceda kay Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. na sertipikahang urgent ang panukala para sa pagbuo ng Department of Water.

Sa Kapihan sa Manila Bay News Forum, sinabi ni Salceda na isa sa pangunahing may akda ng panukala sa Kamara, kailangan na ito para masolusyunan ang mga nakaamba pang malaking problema na posibleng idulot ng El Niño sa bansa.

Kabilang aniya sa mapapasama sa ilalim ng kanilang isinusulong na Department of Water ang National Irrigation Administration, Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), at Local Water Utilities Administration (LWUA).

Giit ni Salceda, sa pamamagitan nito ay matitiyak ang suplay ng tubig para sa lahat.

Sa ilalim ng panukala, isinusulong ang universal access sa water supply.

Matitiyak umano ito dahil lahat ng tubig at water treatment infrastructure projects ay ituturing na of national interest.

Madelyn Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *