DSWD nagsasagawa ng nationwide re-orientation para sa mga magpapatupad ng AKAP

Sa layuning tuloy-tuloy na makapagbigay ng unified implementation ng Ayuda sa Kapos Ang Kita program (AKAP), nagsasagawa ng nationwide re-orientation ang Department of Soxial Welfare and Development (DSWD), sa mga field personnel.
Sinabi ni Protective Service Bureau o PSB Director Edwin Morata, na ang re-orientation activity ng DSWD ay para ma-update ang mga personnel na magpapatupad ng AKAP, dahil mayroong mga updated components ang programa.
Kabilang dito ang paggamit ng standardized forms and procedures para sa validating at client eligibility.
Ayon sa DSWD, ang re-orientation program ay isang proactive measure para matiyak na transparent ang pagbibigay ng ayuda sa ilalim ng AKAP.
Vic Somintac