Hemodialysis center sa CALABARZON, bukas na

Binuksan ng DOH-CALABARZON ang Hemodialysis Center para sa mga Covid-19 patient.

Ang naturang pasilidad ay matatagpuan sa Cabuyao City Hospital Building in Barangay San Isidro, Cabuyao City, Laguna.

Ang Hemodialysis Center na ito ay kayang serbisyuhan ang mga pasyenteng may Kidney problem na nagpositibo sa Covid-19.

Ayon kay DOH Regional Director Dr. Eduardo Janairo, nasa 150 pasyente ang kayang tanggapin ng naturang pagamutan.

Jet Hilario

Please follow and like us: