Malakanyang, nagsuspinde na rin ng pasok ng mga empleyado dahil sa masamang panahon

0
67513710_479791645916707_7949321931830853632_n

Dahil sa patuloy na masamang lagay ng panahon, nagpalabas na rin ng work suspension order ang Malakanyang.

Sa pamamagitan ng Memorandum circular No. 63 na pirmado ni Executive Secretary Salvador Medialdea, alas-3:00 ngayong hapon nang payagang makauwi ang mga empleyado ng Malakanyang at iba pang tanggapan ng pamahalaan sa buong Metro Manila.

Ipinauubaya naman ng Malakanyang sa management ng mga pribadong tanggapan ang work suspension order.

Ang mga nasa health services at may kinalaman sa Disaster Response ay mananatiling may pasok.

Ulat ni Vic Somintac

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *