15 flights sa NAIA patungong Hongkong kanselado na

Kanselado ang 15 flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong araw.

Pero nilinaw ng mga opisyal ng Manila International Airport Authority (MIAA) na hindi ito epekto ng masamang panahon dulot ng bagyong Hanna kundi dahil sa kilos protesta sa Hongkong.

Kabilang sa mga nakanselang flights ang walong flights ng Cathay Pacific flights sa terminal 3 o Flights 906 at 907 o Hongkong Manila to Hongkong CX 918 at 919 o Manila Hongkong to Manila, CX 902 at 903  Manila Hongkong to Manila at CX 934 at 935 o Manila to Hongkong to Manila.

Bukod pa rito ang tatlong flights sa terminal 2 o CX 912 Manila to Hongkong CX 939 Hongkong to Manila at CX 976 Manila to Hongkong.

Nakasenla na rin ang apat na flights ng Philippine Airlines na:

PR318 – Manila-Hongkong

PR319 – Hongkong – Manila

PR306 – Manila – Hongkong

PR307 – Hongkong -Manila

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *